November 3, 2024

ESTATE TAX KUNO NA DAPAT BAYARAN NG MGA MARCOS, MAKABUKOL KAYA SA RATINGS NI BBM?

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.  Gaya ng hot pandesal sa umaga na kaysarap kainin sa almusal ang isyung tatalakayin natin.

Ito ay tungkol sa kabuuang P203 bilyong estate tax na pinababayaran ng BIR sa pamilyang Marcos. Halos mahigit sa 30 taon nang nakatengga yan. Kung kailan tumakbo sa pagka-Presidente si Bongbong Marcos (BBM), saka naman umalulong ang mga askal dyan sa BIR. Kaya ginawang pambukol ito ng mga karibal ni BBM sa posisyon sa pagka-Presidente.

Kung tutuusin, 6 % percent lang ang dapat bayaran dyan ng mga Marcos. Saka bakit naman babayaran ang buo gayung sinekswester ang assets nila at naka-freeze. Na kagagawan ng PCGG.

Ayon sa iba pang presidential aspirants, malaking tulong ito kung masisingil sa mga Marcos. Ang tanong, kung may punto itong akusasyon nila, ibig sabihin, kwento lang ng mga Marites sa PCGG ang sinasabing ‘ill gotten wealth’. Papaanong magiging gayun ‘e nakadeklara pala ang tax?

At sino ba namang matinong tao ang kinumpiska ang kanyang pag-aari, tapos siya pa ang sisingilin o dapat magbayad ng buwis? Ganyan ang senaryong makikita sa isyu rito. Tapos, ni hindi nga nahawakan ni Bongbong. Tapos, sisingilin silang dalawa ni dating first Lady Imelda Marcos.

Isa pa, hindi papatulan ng mga Marcos ang ilang haka-haka at kuro-kuro lamang na patutsada at balita. Ang desisyon lamanfg ng korte ang kanilang susundin. Yun ang hinihintay ng BIR at PCGG, kaya bakit ipambubukol ito kay BBM gayung hindi naman niya nahawakan ang pera?

Maliwanag na isa itong propaganda laban sa kandidatura ni BBM. Makaangat kaya ito sa ratings ng mga kalaban niya sa posisyon?