USAPANG basketball at kayaking ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Oct. 13) sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Brgy. Laging Handa, Quezon City.
Inaasahang magbibigay ng kanilang prediksyon, programa at kahandaan ang ilang mga coach ng mga kalahok na koponan sa ilulunsad na National Youth Basketball League (NYBL) Season tulad nina JC Docto ng Cavite, Raul Bicol ng Batangas, Mel Alas ng Quezon, Cindrey Balignasay ng Antipolo City, Pablo Lucas ng Laguna, Emerick Sajote ng Makati at Zia Dela Cruz Poquiz ng Marikina.
Panauhin din si Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) national coach Len Escollante sa programa ganap na 10:30 ng umaga para magbigay ng pinakabagong detalye sa paghahanda ng Philippine Team sa pagsabak sa international competitions, kabilang na ang SEA Games sa Cambodia sa susunod na taon.
Tumatayo ring deputy chef de mission ng Philippine delegation sa Cambodia SEAG si Escollante. Kasama siyang itinalaga ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino para makatuwang ni Chief of Mission Chito Loyzaga ng baseball.
Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal na makilahok sa talakayan na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cusine.
Mapapanood din ang programa via livestreaming sa official Facebook page na TOPS Usapang Sports, gayundin sa Channel 45 ng bagong mobile app network PIKO (Pinoy Ako).
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE