WASHINGTON (AFP) – Dinomina ni Errol Spence si Danny Garcia sa kanilang WBC at IBF welterweight clash. Nagwagi ang undefeated pug via unanimous decision.
Impresibo ang ipinakitang performance ng 30-anyos na si Spence. Kung saan, nakuiha nitoang halos round sa laban na idinaos sa AT&T Stadium sa Dallas, Texas.
Nakontrol ni Spence ang laban sa middle rounds. Dahilan upang pumabor sa kanya ang judges sa scorecards, 116-112, 116-112, and 117-111.
Dahil sa panalo, na-improved ang record ni Spence sa 27-0, 21 knockouts. Samantalang nalaglag sa 36-3, 21 KO’s si Garcia.
Kung matatandaan, nagdusa si Spence sa serious injuries nang tumilapon sa kanyang kotse. Ito’y dahil sa nagmaneho siya nang nakainom noong October 2019.
”The moment is surreal especially coming back from my accident year ago,” ani Spence.
“Be patient with me. This was a comeback fight for me and I had to shake off some cobwebs.”
Spence improved to 27-0 with 21 knockouts while Garcia fell to 36-3, with 21 KOs.
“He was breaking him down and taking the fight out of him. His jab is the key to everything,” saad ng trainer ni Spence na si Derrick James.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na