Dinomina ni Errol Spence si Yordenis Ugas sa 10th-round TKO sa AT&T Stadium sa Dallas, Texas. Kaya naman, hinablot ni Spence ang WBA title belt ng Cuban fighter. Idinagdag niya ito sa kanyang WBC at IBF title belts.
Hindi umubra ang estilo ni Ugas sa combination at footwork ni Spence. Katunayan, napatumba ng huli ang una sa round 7. Patuloy ang pag-upak ni Spence rito. Anupa’t namaga ang kanang mata nito at naapektuhan ang tagiliran.
Kung kaya, itinigil na ng referee (Laurence Cole) ang laban sa 10th round, may 1:44 nalalabi sa round. Sarado ang mata ni Ugas at hindi na ito nakaporma sa parusa ni Spence.
Dahil sa panalo, gumanda ang record ni Spence sa 28-0, 22 rito ay knockouts. Bumaghsak naman si Ugas sa 27-5, 12 KO’s. Pagkatapos ng laban, napaulat na may parteng bali sa ribs ni Ugas. Nagparamdam naman si Spence sa isa pang kampeon sa welterweight na si Errol Spence.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2