November 23, 2024

ERICE PINANGUNAHAN ANG “UNVEILING” NG NATIONAL HISTORICAL MARKER NG SAN ROQUE CATHEDRAL


PINANGUNAHAN ni Caloocan City 2nd District Congressman Egay Erice ang pagpapasinaya sa unveiling ng National Historical Marker ng San Roque Cathedral sa naturang lungsod.

Ayon kay Rep. Erice, na tumatakbong alkalde sa Caloocan,  saksi ang nasabing simbahan sa mahalagang mga kagananap sa nakaraan at kasaysayan sa Pilipinas.

Isa rin ito sa pinagtaguan ni Heneral Antonio Luna kasama  ng iba pa nilang mga tauhan noong panahon ng Digmaang Filipino-Americano taong 1899, dagdag pa ng kongresista.

Kaya naman isinusulong nito sa Kongreso na madeklara na national historical site ang San Roque Cathedral.

“Marapat lamang na ating alagaan at bigyang halaga ang mga bahagi ng ating kasaysayan upang ito ay masilayan ng ating mga anak, apot at ng susunod pang mga henerasyon,” wika ni Erice.

Nagpapasalamat din si Erice kina Chairman Dr. Rene Escalante at O.I.C Executive Director Ms. Carminda Arevalo of National Historical Commission of the Philippines at kina Rev. Fr. Geronimo Cruz (San Roque Cathedral) at Most Rev. Pablo Virgilio S. David, D.D. ng Diocese of Kalookan upang pangunahan ang pagpapasinaya ng National Historical Marker sa San Roque Catheral.