Ang buong mundo ay nahaharap ngayon sa malaking krisis sa kalusugan na siya namang sumusubok sa pagkakaisa ng sambayanan. Sa kabila nito, mayroon pa ring mga bagay-bagay na nagsisilbing “ray of hope” natin sa mga negatibong balita ngayon.
Kasama na rito si 2nd District Caloocan Rep. Egay Erice na namahagi ng 600 kilo ng tilapya sa mga residente ng Stotsenburg, Barangay 67, 69, 70 at 71 sa naturang siyudad.
Marami ang pumuri kay Erice sa ginawa niyang ito at itinuring siyang magandang halimbawa ng isang mabuting tagapaglingkod sa bayan.
Dahil sa sunod-sunod na community quaratine sa iba-ibang lugar sa bansa ay maraming mga kababayan natin ang nawalan ng hanap-buhay. Kaya naman kahit sa kanyang maliit na paraan ay minabuti ni Erice na mamamahagi ng libreng isda para sa kanyang mga kababayan sa Caloocan na ngangailangan ngayon ng kanilang makakain.
“Nawa’y marami pang tulad ni Erice ang magbigay pag-asa sa ating mga kababayan sa mahirap na pagsubok na kinakaharap natin ngayon. Matuto sana tayong magkaisa at maging masunurin sa mga utos ng pamahalaan ng sa gayon ay malampasan natin ang matinding pagsubok na ito,” ayon kay Aling Gina, isa sa mga residente na nabigyan ng libreng isda.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE