September 7, 2024

ERIC FRUCTUOSO, PROUD SA PAGIGING TRICYCLE DRIVER

ANG dating matinee idol na si Eric Fructuoso, ay naging viral ang kanyang ipinost sa social media na siya ay nagda-drive ng isang tricycle na kuha sa kalsada. Marami naman nag-like sa ginawang iyon ni Eric. At sinamahan pa niya ito ng caption na “Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta legal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang nang tirahin!” Pahayag pa ni Eric Fructuoso.

Sabi ni Eric, ngayong pandemic, basta’t marangal ang isang trabaho ay hindi dapat na ikinahihiya ito. Iyan ang magsasalba sa pamilya mo at wala raw masama sa pagiging isang tricycle driver, dahil marangal ang nasabing trabaho.

Sabi pa niya “May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag garage sale ako dati e yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumile ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko. “Kaya nga ‘barya lang sa umaga’ dahil buo buo pera nila.”

Sa kanyang post, sinabi rin niya na hindi na kailangan pang clumeavage para mag trending sa social media. Pagtatapos pa niya.