December 24, 2024

ERAP NAKALIGTAS SA COVID-19

Masayang ibinalita ni dating Senador  Jinggoy Estrada, na negatibo na ang COVID-19 test sa kaniyang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

“We are happy to announce that my dad continues to improve and we expect that he can be transferred to a regular room soon,” sabi ni Jinggoy sa Facebook post nitong Martes.

“His repeat RT-PCR (swab test) is now NEGATIVE!” dagdag niya.

Nag-post naman ang isa pang anak ni Erap na si dating Senador JV Ejercito ng ng larawan na makikita ang dating pangulo at action star na naka-thumbs up habang nasa kaniyang hospital bed.

Ayon kay Jinggoy, naka-oxygen machine pa rin ang kaniyang ama para tulungan siya sa paghinga.

Pinayagan na rin umano ng mga duktor si Erap na mag-soft diet.

“We thank everyone for their continuous support and love and ask that you continue to pray for him and others who are afflicted with this awful and dreaded disease,” ayon sa dating senador.

Marso 29 nang ibalita ni Jinggoy na nagpositibo sa virus ang kaniyang ama.

Dahil lumubha ang pneumonia ng dating pangulo, inilagay siya on mechanical ventilation. Pero kinalaunan ay unti-unti na ring bumubuti ang kondisyon ni Erap