Pinalawak ng pamahalaan na mas mapabuti pa ang mass transportation system sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nitong Miyerkules.
Sa naging pagpupulong na “Bagong Pilipinas Town Hall Meeting on Traffic Issue,” binigyang-diin ni Marcos na ang mass transit system ay ang paraan para maibsan ang matinding trapiko sa Metro Manila.
“Wala talagang solusyon ang traffic kung hindi tayo malipat sa kalsada at malipat sa mass transit. Kaya tayo naglalagay ng mga subway, naglalagay tayo ng mga tren, ito po ay para naman ay mas madali talaga. Wala nang traffic,” ayon kay Marcos.
“Wala talagang solusyon ang traffic kung hindi tayo malipat sa kalsada at malipat sa mass transit. Kaya tayo naglalagay ng mga subway, naglalagay tayo ng mga tren, ito po ay paraan na mas madali talaga. Wala nang traffic,” saad ni Marcos.
Sinabi pa ng Pangulo na kahit ang mga mayayaman sa ibang bansa ay mas pinipili ang pampublikong transportasyon dahil sa tindi ng trapiko.
“Kahit yung mga mayayaman na may kaya, sumasakay sa tren dahil yun ang pinakamabilis mapuntahan. Kahit na yung malalaking siyudad – New York, ganoon. London, ganoon. Kahit na sino, ang tren ang ginagamit kaya’t ‘yan talaga ang tanging solusyon,” pagdidiin ni Marcos.
“Kaya talagang ito ay minamadali natin dahil nababanggit nga na napakalaki ang sagabal sa progreso natin itong traffic, hindi lamang sa oras na nasasayang, sa gasolina na nasasayang sa kakaantay na ura-urada sa daan, at yung gastos ng ating mga commuter,” dagdag pa ng Pangulo.
Samantala, ibinahagi rin ni Marcos ang progress report sa ilan sa mga pangunahing proyekto ng tren sa bansa.
North-South Commuter Railway Project (Tutuban – Malolos) – 61 percent complete
North-South Commuter Railway Extension Project (Malolos – Clark) – 56.6 percent complete
North-South Commuter Railway Extension Project (South Extension, Manila-Calamba) – 38 percent complete
Metro Manila Subway Project – 41 percent complete
LRT Line 1 Cavite Extension – 80 percent complete
MRT Line 3 Rehabilitation and Maintenance – 85 percent complete
Unified Grand Central Station – 83 percent complete
MRT Line (Quezon City – Bulacan) – 67 percent complete
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE