NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga gagamit ng pangalan o larawan ng pulitiko sa ipapamahaging “ayuda” (pinansiyal na tulong) sa NCR Plus areas na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ).
Inilabas kamakailan lang ng DILG at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang guidelines para sa pamamahagi ng pinansiyal na tulong na P1,000 bawat indibidwal o 4,000 bawat bahay – sa mga residente na apektado ng ECQ sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR Plus.
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-release sa P22.9 bilyon para pondohan ang assistance.
“The use of the ayuda for partisan political purposes for the 2022 national elections is strictly prohibited. The DILG will not tolerate the politicization of government aid or tolerate the practice when we see it or made aware of it,” ayon kay DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya.
Dapat managot ang mga lalabag sa ilalim ng Section 82 ng General Appropriations Act, na nagbabawal sa paggamit ng pangalan, visage, appearance, logo, lagda o anumang analogous image ng sinumang pampublikong opisyal, halal man o appointed, sa lahat ng programa, aktibidad at proyekto ng gobyerno.
Sasampahan din ng kasong administratibo sa ilalim ng Commission on Audit (COA) Circular 2013-004 laban sa mga opisyal na lalabag sa ipinagbabawal.
Mahigpit din ipinagbabawal sa COA Circular ang pagdi-display ng larawan, imahe, logo, inisyal, o anuman graphic representation mga opisyal sa lahat ng programa at proyekto ng pamahalaan.
Maaring maghain ng reklamo ang publiko sa DILG na may kasamang kuhang larawan at iba pang dokumento na ebidensiya.
“We will make sure that the funds downloaded to the LGUs are used for purposes they were intended for. Before distribution, the mayor should issue an executive order detailing therein the type, manner, or process of distribution so that the public is properly guided. They are also required to create a Grievance and Appeals Committee per LGU where people can submit complaints,” ayon kay Malaya.
Dagdag pa niya ang LGU Grievance and Appeals Committee ang hahawak sa lahat ng reklamo na manggagaling sa publiko.
Bumuo rin ang DILG ng Joint Monitoring and Inspection Team (JMIT) sa bawat LGY na pangungunahan ng DILG City/Municipal Local Government Operation Officer at representante ng DSWD, Philippine National Police (PNP), City o Provincial Prosecutors Office at civil society organizations.
Tutugunan ng JMIT ang mga reklamo at hinaing ng kanilang constituents hinggil sa tulong pinansiyal, susubaybay sa kung susunod ang LGU sa mga naangkop na guidelines, hihingi ng tulong sa mas mataas ng mga awtoridad sa kaso ng labis na pagkaantala o sistematikong anomaly sa pamahahagi at magiging sanhi ng pagsasampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa pampublikong opisyal na sangkot sa ireularidad o paglabag sa batas kaugnay sa pinansiyal na tulong.
Bilang bahagi ng JMIT, kaagad na mag-iimbestiga ang PNP at mag-bubuild up ng kaso sa mga anomalya, iregularidad o katiwalian hinggil sa pamamahagi ng tulong.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA