Hinirang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr si seasoned career diplomat Enrique Manalo bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
Papalitan ni Manalo si DFA chief Teodoro Locsin Jr.
“Yes, it is confirmed. But he asked for a few days to wind up affairs in the previous post,” pahayag ni Angeles.
Si Manalo ay itinalaga bilang DFA Undersecretary for Policy sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal-Arroyo.
Saglit din siyang nagtrabaho bilang acting DFA secretary matapos mabigong makumpirma ng Commission on Appointments si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahil sa isyu ng kanyang nationality.
Sa kanyang apat na dekada na karera sa DFA, nagsilbi siya bilang ambassador ng Pilipinas sa United Kingdom, Ireland, at Belgium at Luxemburg.
Ang 69-anyos na si Manalo, na nagretiro sa foreign service noong 2018, ay ang unang career diplomat na itinalaga sa puwesto sa loob ng halos dalawang dekada. Siya ay anak ng dalawang kilalang dating ambassador ng Pilipinas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA