Napiling maging bahagi ng gabinete ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sina dating Senate president Juan Ponce Enrile, outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra at retired General Jose Faustino Jr.
Sa isang statement sinabi ni Press Secretary-designate Trixie Cruz-Angeles na si Enrile ang itinalagang presidential legal counsel.
Isa si Enrile sa ilang pinagkatiwalaan noon ng ama ni BBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr at kilala bilang protege ng dating pangulo.
Nanungkulan din si Enrile bilang Justice secretary at Defense minister sa ilalim ng nakatatandang Marcos administration.
Samantala, si Secretary Guevarra naman ay may bagong posisyon bilang solicitor general at si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Faustino naman bilang senior undersecretary at officer-in-charge ng Department of National Defense (DND).
Magiging full time secretary si Faustino sa Nobyembre pagkalipas ng ban sa appointment dahil noong Nobyembre lamang ito nagretiro.
Ayon kay Angeles, highlight ng naturang nominasyon ang commitment ni Marcos para itaguyod ang economic development at inclusive growth.
Sa Hunyo 30, nakatakdang isagawa ang inagurasyon ni Marcos Jr. Nangako itong kaniyang ipaprayoridad ang sektor ng agrikultura, healthcare, edukasyon, infrastructure development, digital infra, job creation at utilization ng renewable energy.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA