KUNG mahirap magpaalam sa isang kaibigang pumanaw sa panahon na maari silang makita bago ihatid sa kanilang hantungan, mas lalo na ngayong panahon ng pandemya na tila bigla na lamang silang mawawala.
Magugulat na lang tayo na sila’y nasa ospital at kasunod nito’y pumanaw na. Ang masakit, ni abo nila’y hindi natin masisilayan.
Hindi kayang sukatin kung gaano ang sakit at kalungkutan na idinulot ng biglang pagkawala ng isang taong itinuturing natin mahusay na lingkod bayan — si Kapitan Joselito “Joey” T. Calderon ng Sta. Ana, Taytay Rizal.
Ganito ang naramdaman ng mga taong humanga, naniwala, at nakaranas ng mga kabutihan o benepisyong natamo sa panahong nanunungkulan si Kapitan Joey.
Higit ang mga taong malalapit sa kanya, na dating nakikita siya araw-araw o kaya’y nakakausap sa telepono o sa cellphone ngayong panahon ng pandemya.
Dalawangpu’t limang taon din naglingkod sa naturang barangay ang mama sa naturang barangay. Una siyang nagsilbi bilang barangay kagawad sa Sta. Ana mula 1994-2001, at naging Konsehal ng Bayan simula taong 2001-2010.
At naging kapitan nga nitong 2010 hanggang ngayong araw matapos itong pumanaw.
Maraming nasaktan, maraming umiyak, at naniniwala akong maging ang mga dating katunggali ay magsasalong ng sombrero bilang pagbibigay pugay sa magiting na Kapitan.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala…
Kapitan, saan ka man narooon, hangad ko ang inyong mapayapaang paglalakbay pabalik sa ating Dakilang Pinagmulan…
Hanggang sa muli.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA