NAHABLOT ni Arjie Bayangot ang kampeonato ng isinulong na 2022 National Executive Chess Championship NCR leg nitong nakaraang weekend sa Robinson’s Magnolia sa New Manila, Quezon City.
Ang 39- anyos na executive woodpusher mula Santa Rosa, Laguna ay magiting na inungusan ang namamayagpag nang si Freddie Talaboc ng Artha Land Corporation kung saan ay draw na lang ang kailangan nito para tanghaling supremo ng torneong inorganisa ng Philippine Executive Chess Association ( PECA)sa timon ni President Dr.Fred Paez.
Naiuwi ni Bayangot ang taginting na top purse at eleganteng tropeo bilang kampeon habang dumausdos sa pang-apat na puwesto si Talaboc na naapektuhan ng time pressure sa last round kontra Bayangot.
Umangat sa segunda ang 66 anyos na si IM Efren Bagamasbad habang tumersera naman si John Ernie Maraan.
Si PECA pioneer Cliburn Anthony Orbe ng Human Settlements Adjudication Commission ay nakuntento sa pang-pitong puwesto.
Mula Marinduque ay dumayo para lumahok ang chess enthusiasts na sina Engr .Lauro Bautista at government contractor Giovanni Buhain – founders ng Boac Chess Knight League na tumapos ng respektableng kampanya sa naturang torneo kasabay na rin ng pag-promote ng nakatakda nang Ist Governor’s Cup Chess Tournament sa Boac,Marinduque.
“Very smooth pero exciting bawat round ng competition at heavy ang turnout na expected naman natin. Hats off sa lahat ng partisipante na welcome na sa pampinaleng PECA grand champioship sa Disyembre,’ wika ni Dr.Paez kasabay ng pasasalamat sa nagtaguyod ding Robinson’s Magnolia.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA