
MARIKINA – Malaki ang naging tulong sa mayoralty bid ni Rep. Stella Quimbo ng Marikina 2nd District nang makuha ang matibay na suporta mula sa dating Ombudsman na si Conchita Carpio Morales.
Sa isang pahayag, tinawag ni Morales si Quimbo na “isang bihirang lider na may puso at kakayahan,” isang papuri na dumating sa tamang panahon habang ang Marikina ay dumaranas ng matinding mga hamon tulad ng lumalaking utang, pagbaha, at pagkakaba ng mga sistema ng kalusugan at edukasyon.
“I’ve seen how damaging it is when the wrong people hold public office. Stella is different. She’s clean, capable, and deeply committed to serving the people,” ani Morales, na kilala sa kanyang walang takot na laban kontra-korapsyon.
Ang endorsement na ito ni Morales, na isang 2016 Ramon Magsaysay Awardee, ay isang malaking dagok sa mga kalaban ni Quimbo, na kilala sa kanyang walang kapintasan na track record at dedikasyon sa serbisyo publiko.
Ayon kay Morales, “Hindi ito panahon ng pagsubok-subok lang. Marikina needs a leader who knows what she’s doing.” Hindi rin nakalimutang ipunto ni Morales na sa buong karera ni Quimbo sa gobyerno, wala itong kinasangkutang kaso ng katiwalian.
Ang Marikina, na patuloy na bumangon mula sa mga trahedya tulad ng bagyong Ulysses noong 2020, ay nangangailangan ng isang lider na may konkretong plano at matibay na kakayahan. “Leaders like Stella Luz Quimbo don’t come often. Let’s not waste this chance,” pagtatapos ni Morales.
Hindi na malayong maghatid ng tagumpay si Quimbo sa darating na Mayo 12 na halalan, kung saan ang mga botante ng Marikina ay maghahanap ng isang lider na magdadala ng tunay na pagbabago sa kanilang lungsod.
More Stories
2 SUSPEK SA KIDNAPPING NG BABAENG CHINESE, ARESTADO
Pinoy FM Ivan Travis Cu sa Hungary… SECOND BEST SA BUDAPEST CHESS
Impostor ng LTO Chief, Areŝtado sa Cubao