NAKATAKDANG mabenepisyuhan ang goat-raising industry sa Pilipinas mula sa groundbreaking technology innovation, matapos iulat ng Department of Science and Technology Region 2 (DOST-2), katuwang ang Isabela State University (ISU) at DOST-PCAARRD, ang naging matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Embryo Transfer (ET) Technology sa kambing.
Inanunsiyo ang development ni DOST-PCAARRD Executive Director Dr. Reynaldo Ebora sa ginanap na 2024 Regional Science and Technology Week (RSTW) sa Cagayan Valley.
Ayon kay Ebora limang batang kambing ang matagumpay na nagawa gamit ang ET technology, na bahagi ng Innovative System in Advancing Technology-Based Goat Production project na pinondohan ng DOST-PCAARRD.
Binigyang-diin ni Dr. Ricmar Aquino, ISU president, ang kahalagahan ng technological innovations sa produksyon ng kambing at itinampok ang mga pangunahing teknolohiya tulad ng semen collection, semen processing at artificial insemination para sa maliit na ruminants upang gawing moderno ang goat production at i-enhance ang efficiency at profitability ng goat farming.
“The Embryo Transfer Technology enables the production of multiple offspring from a single female goat, significantly enhancing reproductive efficiency,” ayon kay Science and Technology Secretary Dr. Renato U. Solidum Jr.
Kasama sa proseso ang superovulation upang i-maximize ang oocyte reserves ng babaeng kambing, susundan ng paglilipat ng pertilized embryos sa recipient females. Ang nasabing pamamaraan ay nagpapataas ng parehong bilang ng offspring at ang bilis ng genetic exchange sa pagitan ng herds, kaya pinabilis ang pagpapabuti ng goat breeds.
Itinatampok ng sitwasyon ang matinding pangangailangan para sa pinabuting produksyon ng karne ng kambing upang matugunan ang tumataas na demand. Ang karne ng kambing, o chevon, ay nagiging popular dahil sa mas mababang calorie, cholesterol, at saturated fat content nito kumpara sa iba pang karne gaya ng beef, baboy, at manok.
Bumaba ang total goat inventory sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon. Ang kasalukuyang imbentaryo ay tinatayang 3.86 million.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA