
Inaasahang maibebenta sa halagang $500,000 o mahigit P24 milyon ang singsing ng “King of Rock and Roll” na si Elvis Presley.
Kabilang kasi ang diamond “TCB” ring sa ibinebenta sa memorabilla auction sa Los Angeles.
Sinuot ni Presley ang singsing na “Taking Care of Business” ng ito ay magbalik sa mga concert noong 1969 ng mag-focus ito sa pag-arte.
Sinabi ni Brigitte Kruse ang founder ng GWS Auctions na isang quintessential Elvis jewelry piece ang nasabing singsing.
Kasamang isusubasta ang ilang gitara at mga master tape mula sa Woodstock festival.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA