
Ibinulalas ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa na maraming kababalaghan silang na-engkwentro sa ginawang horror trilogy. Ayon sa kanya, nakakita siya ng multo sa shooting ng ‘Kumbento’, na isa sa kwento sa “Huwag Kang Lalabas’. Na pinagbibidahan ni Beauty Gonzales sa papel na madre.
Bale, nasa late ‘40s ang setting ng “Kumbento” episode, after ng World War II. Sinabi rin ng line producer ng palabas na si Dennis Evangelista ang experience ni ‘ La Oro’. Na madre rin ang role sa nasabing palabas.
“Maraming kababalaghan po ang nangyari. May nilagnat sa shooting. Mga nasa 38-39 degrees centigrade. Kahit si direk Adolf Alix, nilagnat din. “ ani Dennis.
“Tapos, si Miss Elizabeth Oropesa, noted siya na ‘nakakakita,’ di ba? May third eye. She’s claiming na during the time na nagsu-shoot kami, ang dami raw multo,” dagdag nito.
More Stories
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE
Hello, Love, Again” pinarangalan ng Box Office Hit Award sa MIFF 2025
AMA NI ANGEL LOCSIN, PUMANAW NA