November 3, 2024

ELEKSYON SA MAY 9, TULOY KAHIT MAY COVID-19 SURGE

Hindi ipagpapaliban ang May 9 elections sa kabila ng potensyal na COVID-19 surge.

“I don’t think we can postpone elections. We have already prepared for any eventualities. We have the supplies ready. We have already trained all our election workers,” ayon Comelec Commissioner Aimee Ferolino.

 “Kung ‘yung mga may spike (Regarding spikes), the committee on new normal has prepared on how to respond to that. Sabi nga nila, kahit anong mangyari, we will have elections,” dagdag niya.

Sabi naman ni Commissioner Rey Bulay, may mga nakalatag na contingencies ang poll body sakali mang tumaas ang kaso ng COVID-19.

“Hindi tayo pwedeng bumali sa mandato ng ating Saligang Batas na elections should be held on the 9th of May 2022,” katwiran niya.

Kamakailan nang magbabala ang Department of Health na posibleng sumipa ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng kalagitnaan ng Mayo kung hindi susunod sa minimum public health standards ang publiko. Habang pinayuhan din ng World Health Organization ang Pilipinas na maghanda dahil maaaring sumipa ang kaso ng virus lalo na pagkatapos ng halalan.