April 27, 2025

Electronics at Semiconductor Industry, Target ang Bahagyang Pagbangon ngayong 2025

MANILA — Inaasahan ng electronics at semiconductor industry ng bansa ang 1 hanggang 2 porsyentong paglago ngayong 2025 matapos ang dalawang taon ng sunod-sunod na pagbagsak.

Ayon kay Semiconductor and Electronics Industry in the Philippines Foundation, Inc. (SEIPI) president Dan Lachica, posible nang makakita ng “modest growth” sa sektor, dahil sa electronics manufacturing services, renewable energy, at consumer electronics.

Gayunman, nananatiling hamon ang mga tariff issues, lalo na ang reciprocal tariffs ng Estados Unidos.

Giit ni Lachica, kailangang umangat ang Pilipinas sa value chain sa pamamagitan ng pag-akit ng mga investment sa integrated circuit design at wafer fabrication.