NASUNOG ang isang bahay sa 1883 Inocencio St., Tondo, Maynila na pagmamay-ari ng isang Rowena Consaga matapos umanong mag-overheat ang kanilang electric fan.

Sa report ng Bureau of Fire Protection Manila, nagsimula ang apoy alas-12:50 ng tanghali sa ikalawang palapag ng tatlong-storey residential structure ng pamilya Consaga na umabot sa unang at dineklarang fire out ala-1:10 ngayong hapon.
Ayon kay Arson Investigator FO2 Axle John Ramos, nag-overheat ang bentilador o electric fan sa bahay ng pamilya Consaga ang dahilan ng sunog.
Wala namang namatay o nasugatan sa nabanggit na insidente.
More Stories
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela
Lalaki, kalaboso sa bakal sa Caloocan