BINUTATA ng kilalang election lawyer na si Atty. Manuelito Luna ang mga sulsol ng ilang pwersa kay Pangulong Bongbong Marcos Jr (PBBM) na mag-appoint muli ng mga panibagong opisyal na uupo sa bilang gobernador, bise gobernador ng Maguindanao Del Norte.
Sa isang press conference nitong Sabado sa Quezon City, sinabi ni Luna na kilala din bilang resource person ng taumbayan na napilitan na siyang magsalita out of malasakit sa Presidente na pilit pinapakain ng mga maling impormasyon.
Gayunman, ayaw pangalanan ni Atty Luna ang mga nagbibigay ng maling impormasyon sa Pangulo sa kaso ng Maguindao del Norte case.
Ipinaliwanag ni Atty Luna na sa Transition Law, ang original Maguindanao province, partikular sa Section 15 ng ang vice governor ay mauupo bilang acting governor ng Maguindanao del Sur.
“There were wrong information and advice to the President regarding the Maguindanao del Norte former Vice Gov. and now Gov. Bai Ainee Sinsuat based on RA 11055, the former no. 1 provincial board member is now the vice gov. of Maguindanao del Norte,” sabi ni Atty. Luna.
“There are reports that some quarters would not want the sitting governor and vice-governor to be in the position who have assumed their office and have discharged their functions already,” dagdag pa niya.
Binanggit ni Luna na mayroon ng Notice of Allotment of DBM, may IRA na nagkakahalaga ng PHP1.9 billion Maguindanao del Sur at PHP1.8 billion para Maguindanao del Norte.
“News in the VLOG have it that the PNP leadership and the DILG Sec. Benjamin Abalos, Jr. has already established 2 new PPOs one in Maguindanao del Sur and one in Maguindanao del Norte which recognized the two provinces,” sabi pa ng abogado.
“Why will you put up a PPO in Maguindanao del Norte if the assumption of Gov. Bai Eilene Sinsuat is not valid. Why will Gen. Azurin implement the order of SILG Abalos if such an order is not valid,” katwiran ni Luna
Sinabi pa ng abogado na, bakit ang mga empleyado ng Maguindanao del Norte ay naglilipatan na sa Maguindanao del Sur kung hindi valid ang pag-upo ng mga opisyal?.
“I’m not favoring the officials down there, but I pity President Marcos for he already has many problems of the nation every day,” sabi ni Luna.
“Republic Act 55110 mandates the Maguindanao officials to assume office in Maguindanao del Sur, otherwise, it would be dereliction of duty or guilty of abandonment,” dagdag pa nito.
Sa Saligang Batas, umiiral ang tripartite system ng gobyerno. Ang Presidente ang nagpapatupad ng batas, Konggreso ang gumagawa ng batas at Supreme Court naman ang nagpapaliwanag ng batas.
“For valid cause, the Comelec can suspend an election.
Since Congress has not repealed RA11050, if the soon to be appointed officials would be allowed to assume office, there would be problem in governance. As the law has not been amended, hence, nobody can be appointed as officials of Maguindanao del Norte.,’ paliwanag ni Atty. Luna.
Dahil dito ang loyalty ng mamamayan ng Maguindanao ay nasa mga tunay na halal na opisyal dito.
Naniniwala si Atty. Luna na dati ring spokesperson ng PACC na ang mamamayan ng Maguindao del Norte na hindi papayag na magkaroon ng dalawang “sitting governors’ sa Maguindanao del Norte. Magdudulot aniya ito ng kalituhan.
“That’s why I’m forced to defend the President. The President deserves to have a balanced view. Huwag nating bigyan ng problema ang Pangulo, especially now that nagrerecover pa lang tayo mula sa pandemya.
Tinutulungan ko si PBBM at VP Inday Sara out of volunteerism.
I’m just a party to the 110 million Filipinos. It’s my duty to protect the President.” ayon pa sa abogado.
Nabatid na sinasabi pa ng pwersang nagbubulong sa Pangulo na kapag hindi ito nag-appoint ng mga bagong uupo sa Maguindanao Del Norte ay magugulo ang umiiral na peace process dito.
” How could this affect the peace process, when in fact, the peace process has already rolled out. There is already a law on the peace process.
The least we can do is to help the President as we have the problems in Negros Oriental and the higher prices of some agricultural products. ‘Tulungan nyo ako’ is what President Marcos has always appealed to the Filipino people, ” paliwanag pa ni Atty. Luna.
May dalawang mukha aniya ang kwento sa usapin ng demokrasya at mayroon ding dalawang mukha ang katotohanan.
“I believe Executive Secretary former Chief Justice Lucas Bersamin and Chief Presidential Legal Counsel former Senate President Juan Ponce Enrile would wisely advice President Marcos, Jr. on the brewing problem in so far as Maguindanao del Sur and Maguindanao del Norte is concerned. He deserves (PBBM) all the support, sabi ni Atty. Luna.
Noong si Atty. Luna ay nasa PACC, 10 porsyento ng kanyang sweldo ay inilalaan niya bilang pagmamahal nya sa bayan. “This is not about the love of money, but the love of country.”
At bilang dating spokesman of PACC, hindi na aniya niya mapapalampas ang napipintong problema sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte. Ayaw na rin niyang dumagdag pa ito sa problema ng Pangulo ng bansa.
Alinsunod sa sinasaad ng Administrative Code, di dapat ipatupad ng Presidente ang RA 11050, Section 50 na nagsasaad na ang mga incumbent officials of Maguindanao na naging Maguindanao del Sur ang siyang uupo sa Maguindanao del Norte. Ito ang basehan ng kapangyarihan ni Gov. Sinsuat na maupo sa tanggapan ng Maguindanao del Norte.
Base sa assumption of regularity, sinabi ni Atty. Luna na ang pag-upo ng mga opisyal ng Maguindanao del Norte pati na ang notice of allotment ng DBM ay valid.
Pulitika aniya ang ugat ng kaguluhan sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte. Katunayan may PHP1.8 billion na inilaan ng budget para Maguindanao del Norte sa ilalim ni Gov. Sinsuat and PHP1.9 billion sa Maguindanao del Sur.
“The President should be defended and supported. The least that I can do is to express my view on the matter.” pagdidiin ni Atty. Luna. ARSENIO TAN
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO