Iba talaga ang election fever dito sa ating bansa. Kapag halalan, may kanya-kanyang manok ang bawat isa. May opinyon at sariling pananaw at pasya kung sino ang napipisil na iboto.
Gayunman, tila may hatid itong masamang kultura sa atin. Bakit kanyo? Marami ang nagsolian ng kandila dahil sa politika. Na kung tutuusin ay di naman dapat gawing big deal.
May ilan kasi na kapag ayaw mo sa manok nila, tatawagin kang bobo! O dili kaya’y di nag-iisip, tanga at magnanakaw. Meron naman na tinatawag ang iba na ‘lutang’.. Magkagayunman, hindi ito magandang isabuhay ng ating mga kababayan.
Nag-uugat kasi ito ng pagkakampi-kampi, awayan, tampuhan. Pagkakasira ng samahan ng magkakaibigan. Ang masama, ng magkaka-pamilya.
Magkaba an ng kulay at kandidatong sinusuportahan, alisin sa sistema ang ‘cancel culture’. Hindi ito magandang ugali. Bagkus, nakasisira ng pagkatao ng bawat isa na nagbabangayan. Lalo na sa social media.
Matuto sanang rumespeto ang iba sa gusto ng isa. Igalang ang kanyang napili. Huwag upatin at siraan. may kanya-kanya tayong karapatan sa kung ano ang ating opinyon.
Subalit, lumiyab na ang apoy dahil sa may panggatong. Patutsadahan na kung sino ang magaling. Alang-alang s akanilang sinusuportahang mga kandidato. Hay, ang eleksyon nga naman.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur