December 24, 2024

ELECTION FEVER IS ON

Magandang araw, mga ka-Agila!  Umiinit na ang eleksyon sa bansa sa gitna ng pandemya, wika nga ng iba, “election fever is on”.  Nagsimula na ang filing ng certificate of candidacy noong October 1 at magtatapos sa Oct. 8 para sa national at local aspirants sa incoming 2022 elections.

Early birds (Agila ba?) sa filing ng COC sina Deputy Speaker Loren Legarda at Sorsogon Gov. Chiz Escudero na kapwa beteranong Senador at namamayagpag sa Pulse Asia survey nitong September 2021.

Si Legarda ay three-term Senator at dalawang beses na topnotcher noong 1998 at 2007 elections. Sa latest Pulse Asia survey, umangat si Legarda sa number 4 (47.2%) mula sa number 7 sa  naunang survey. Nangako si Legarda na isusulong ang mga panukalang batas na lilikha ng mga trabaho, lalo sa mga nadisplaced na OFWs, di-kalidad na edukasyon, maayos na healthcare system, environmental protection and cultural preservation.

                    *****

Nitong Oct. 2, hindi na nagpa-awat pa ang numero unong Senatorial bet sa Pulse Asia survey(55.2%) at pamosong broadcaster Raffy Tulfo sa paghahain ng COC.  Sinamahan si idol Raffy ng kanyang kabiyak na si ACT-CIS partylist Rep. Jocelyn Tulfo.

Sinabi ni Senator-to-be Raffy, isusulong nya ang mga batas na magpapaangat sa kabuhayan ng mga mahihirap na Pinoy at mga Overseas Filipino Workers.

Popular si idol Raffy sa “vigilante journalism” sa kaniyang programang “Raffy Tulfo in Action” sa TV5 at Youtube kung saan nabibigyan nya ng agarang aksyon ang mga problema ng mga ordinaryong Pilipino, kabilang ang mga OFW na nabibiktima ng pang-aabuso sa ibang bansa.

“I always notice in any kind of fight that they (poor Filipinos) are always left helpless and their rights easily abused. He who has less in life, should have more in law (quoting former Pres. Ramon Magsaysay),” pagdidiin ni idol Raffy. Abangan ang Tulfo justice sa Senado sa 2022!

 *****

Pa-“humble effect” at nagpapaka-masa si Jinkee Pacquiao nang hindi sya magsuot at mag-display nang mamahaling alahas, bag at damit nang samahan sa pagpa-file ng COC ang mister na si Senador Manny Pacquiao na kakandidatong Presidente. Tama yan madam Jinkee, kung gusto mong maging first lady, magkunwari kang hindi maluho at ipakitang galing din kayo sa hirap. Ewan ko lang kung may epek pa yan sa tao dahil alam naman nilang magarbo at sosyalera ka na.

Naging mainit sa mata ng netizens ang “pagarbo effect” sa outfit ni Ginang Pacquiao sa huling laban ni Sen. Manny sa Las Vegas kontra kay Yordenis “Ungas” este Ugas noong Agosto. Ayun, umuwing luhaan at bugbog sarado si Pacman!

 Kasama ni Pacman na nag-file ng COC ang kanyang Vice-Presidential bet na si BUHAY partylist Rep. Lito Atienza. Good luck, “Pac-LA” tandem!

      **** 

Nagfile na rin ng COC si Senador Bong Go na tatakbong Bise-Presidente sa 2022. Sinamahan at inendorso pa si Go sa filing ng kanyang “boss” na si PRRD. Baliktad na mangyayari, incoming Special Assistant to VP na si PDU30!(Bwahaha!)

 Biglang may political climate change, nang umatras si Pang. Duterte sa pagtakbo bilang VP sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction at sinunod ang kagustuhan ng madlang pipol na magretiro na sya sa pulitika. Good decision, Mr. President! Ipaubaya nyo na sa new breed at young generation ang VP seat.

 May pahabol pa si PRRD sa ambush interview ng media sa Sofitel tent, “tatakbo si Sara sa Presidente,” tama ba Inday?

 Sabi ng Pangulo, kung sya ang masusunod, “it’s Sara-Go tandem” o “Sa-Go”! Pwede! Pampalamig sa mainit na panahon ng eleksyon.

 Naghain na rin ng COC si Mayor Sara sa Davao city para sa kanyang re-election.

 Paano ngayon ang Mayor Sara-Bongbong tandem? Ayon sa alagang “dinosaur” ni former Senate President Juan Ponce Enrile, naaamoy daw nito na “tapos na ang eleksyon”, huwat?! Di pa po nagsisimula ang kampanya apo JPE!

 Kung hindi pa raw siya nag-uulyanin at tama ang pagkadinig nya sa bulong ng “dinosaur” nya, si Mayor Sara for President, si Bongbong for Vice-President. So lalabas na “Sa-Bong tandem” po ba, apo JPE?

 Pahabol pa ni apo JPE, hindi nya alam kung totoo yun, pero kuro-kuro lang nya ito, hay naku po! Bitin naman ang blind item mo, apo. Baka fake news din yan!

 Iniiwasan daw muna na ibuyangyang ang “Sa-Bong” tandem sa madlang pipol para hindi madale ng trolls at fake news makers sa bansa. Hello, kelan pa ba nawala ang mga trolls at fake news! Di ba Rappler at Vera Files alyas “fact checkers”(kuno).

 Sabi nga ni Sen. Imee Marcos, “Sara-BBM tandem, marriage made in heaven!” #Sara all!

 Ang pinaka-aabangan na magpa-file bago ang deadline sa October 8 ay si former Senator Bongbong Marcos, Jr. na tahimik pa rin kung ano ang posisyon na tatakbuhan. Ano ba talaga kuya Bongbong?

 Sa latest Pulse Asia survey nitong Sept 6-11, 2021, may tsansa na manalo si BBM sa Senatorial race dahil nasa ika-walong pwesto sya. Pero, sa Presidential at Vice-Presidential races, mukhang may tulog sya.

 Eh ano kaya ang masasabi  ni madam Leni “Be” Robredo” … “Kung tatakbo si Bongbong na Presidente, tatakbo rin ako para matalo ko ulit sya ng ika-apat na beses na!”(Tama ba quote ko boss Ely Saludar ng RMN-DZXL?).

Pero, may naamoy ang mga ka-Agila natin na “push to the max’ pa rin si Robredo na pag-isahin ang ilang “alien candidates” na isasakay sa “UFO” o United Fragmented Opposition. Hahaha!  

Nag-usap daw sina Leni, Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto nitong Sabado pero walang napagkasunduan. Diskarteng pulitikong polpol na yan! Di naman magkakasundo ang oposisyon dahil may kani-kaniyang interes at iba-ibang bagahe pa. Let’s wait and see!

Para sa inyong opinyon, komento at suhestyon, ipadala lang sa aking cellphone number 0945-1305666.