Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar, na hindi nila kukunsintihin at pagtatakpan ang pitong police personnel na kinasohan ng murder at frustrated murder sa nangyaring pamamaslang at pag-ambush kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, noong March 8, 2021.
“Haharapin nila ang kasong isinampa sa kanila. Sinisiguro ko po sa inyo na hindi pagtatakpan ng PNP ang mga pulis na umano’y sangkot sa pagpaslang kay Mayor Aquino,” ayon kay Eleazar.
“Katotohanan at hustisya rin po ang aming hangad para sa insidenteng ito dahil kasama sa mga nasawi ay mga tauhan namin. Parusahan kung sino ang dapat parusahan but in the meantime, let these cases take their course in the proper forum,” dagdag pa nito.
Matatandaan na si Mayor Aquino ay pinagbabaril ng mga pulis na suspek hanggang sa mapatay sakay ng kanyang private vehicle sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy sa Calbayog.
Samantala nitong araw ng Huwebes ay nag-file na ng kasong murder at frustrated murder ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) sa pitong pulis na suspek. Sinabi naman ng NBI na ibinase nila ang kanilang nakuhang limampu’t tatlong nakuhang mga pahayag at CCTV footage sa nangyaring insidente at impormasyon na nakuha sa mga cell phones ng mga suspek.
Pinayuhan din ni Elezar, ang mga nasabing pulis na iprisinta ang kanilang mga sarili sa kahit na anong imbestigasyon, kabilang na ang Senate inquiry.
Inutusan na rin umano niya ang Regional Director ng Police Regional Office 8, Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), at ilagay ang mga sangkot PNP personnels sa ilalim ng restrictive custody.
Sinabi pa ng PNP Chief, “Habang gumugulong ang mga kasong ito, ang focus natin ay magpatuloy ang tama at maayos na serbisyo ng ating kapulisan sa mga kababayan natin sa Calbayog City at Samar,”
Pag-amin naman ng tumatayong whistle blower na si Police Master Sargeant. Jose Jay Scenario, na ang kalaban sa politika ni Mayor Aquino, ay nakipag-ugnayan sa mga pulis na suspek para maghain ng search warrant laban sa alkalde at ini-ugnay bilang protektor ng mga pulis na sangkot sa kalakalan ng illegal na droga.
Inamin din ni Scenario na ang nasabing ambush ay matagal ng planado (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY