December 25, 2024

ELEAZAR: VOTE BUYING SA 2022, CASHLESS NA (Paulit-ulit na problema tuwing eleksyon)

NAGBABALA si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ngayong Lunes na maaring samantalahin ng mga kandidato ang lumalawak na paggamit ng digital platforms at e-wallets sa bansa para bumili ng boto sa national elections sa susunod na taon.

Pipili ang mga botanteng Pinoy ng isang pangulo at vice president, kabilang ang mahigit sa 300 mambabatas at libo-libong local government officials sa gaganaping botohan sa Mayo 9, 2022.

Sa Pilipinas, pangakaraniwan na ang vote-buying, maraming politiko ang nag-aalok ng pera, pagkain at iba pang giveaways kapalit ng kanilang boto.

Subalit sa isang kapaligiran kung saan nanatiling  limitado ang social mobility o pagkilos ng lipunan dulot ng COVID-19 pandemic, ay magiging normal na ang cashless vote buying at mahihirapan itong bantayan, ayon kay Police General Eleazar.

“Monitoring vote-buying activities in the 2022 elections will really be a great challenge to us,” pag-aamin ni Eleazar sa isang pahayag.

Umapela rin siya sa publiko na maging mapagbantay.

Kokonsulta rin ang pulisya sa iba pang ahensiya, tulad ng Commission on Election, upang makagawa ng hakbang para labanan ang vote buying sa pamamagitan ng electronic money transfer service, saad niya.

Inaasahan aniya na bubuhos ang pera sa 2022 election mula sa mga kandidato, na karaniwan ay nag-uumpisa bago magsimula ang kampanyahan.