Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, ang mga police commander na masusing magbantay sa kanilang mga area of responsibilities o (AOR) para tumulong na mapababa ang bilang ng tumataas na kaso ng COVID-19 cases.
Sinabi din ni PGen. Eleazar na ang pagkakasibak sa puwesto ni Caloocan City Police Community Precint 9 commander PMaj. Harold Aaron Melgar, matapos itong mabigong ipatupad ang minimum health safety protocols sa kanyang nasasakupan na kung saan naroon ang Gubat sa Ciudad resort sa Brgy. 171, Bagumbong sa Caloocan City, na dinagsa ng daan-daan katao kabilang na ang mga menor de edad para maligo sa swimming pool sa kabila ng nasa modified enhance community quarantine (MECQ) sa buong Metro Manila at ang tatlong iba pang mga karatig na probinsya.
Ayon pa sa PNP Chief ay kasalukuyan ng iniimbestigahan ang naging pagkukulang ni Melgar sa insidente sa Gubat sa Ciudad.
“Bibigyan pa din natin sya ng due process. But if the result of the probe shows that there is negligence on his part, he will definitely charged. Maging nga ang chairman ng barangay na nakakasakop sa Gubat sa Ciudad resort ay hindi nakaligtas sa insidenteng ito at ang mga pulis ang dapat na naniniguro na nasusunod ang guidelines ng gobyerno ngayong may pandemya lalo na’t dito nakasalalay ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga komunidad.Hindi tayo dapat magpabaya sa ating tungkulin” diin ni Eleazar.
Pinasalamatan naman niya ang mabilis na pagtugon ni Mayor Oscar Malapitan para iprayoridad ang isolation and testing para sa COVID-19 ng mga nagtungo sa naturang resort.
Subalit sinabi din ng PNP Chief na mananagot ang mga taong nagpunta sa lugar dahil sa kanilang mga iresponsableng aksyon at papatawan ng penalties base sa halagang nakapaloob sa ordinansa.
Hindi aniya na palage na lamang magpapasensya ang mga otoridad sa mga lumalabag at mas mauunawaan umano niya kung ang rason ay ang tulad ng paghahanap ng pagkain para sa kanilang mga pamilya o isang religious gatherings para huming ng tulong at dasal sa Poong Maykapal upang gumaling ang mga taong nagkasakit sa pandemya at matapos na ito. Subalit hindi aniya ganito ang nangyari.
Pinaiimbestigahan na din umano niya ang mga ilan tao na nanduon sa resort na nanakit at bumugbog sa isang camera man ng isang TV network na nagpunta sa lugar para lamang kumuha ng video sa insidente.
Umapela din si Eleazar sa publiko na sundin at irespeto ang ipinag-uutos na health and safety protocols na epektibong pangontra sa paglaganap ng coronavirus. (Koi Hipolito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY