HUMINGI ng paumanhin ang Philippine National Police Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO) sa mga organizers ng community pantry bilang patunay na wala umanong intensyon ang kapulisan na sila ay saktan o takutin.
Iniutos na rin ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na huwag patawan ng parusang profiling ang mga community pantry organizers na walang hangarin kundi ang magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan bilang tugon sa espiritu ng Bayanihan.
“Gusto ko po linawin na walang direktiba mula sa PNP National Headquarters o mula sa aking opisina na magsagawa ng anumaman profilinj sa kanila ang ating mga police personel. Base na rin sa direktiba ng ating SILG Eduardo Ano, inaatasan ko ang ating kapulisan na tulungan at protektahan ang mga community pantry organizers sa kanilang area of responsibility at tiyakin na nasusunod ang health protocols.”
Sinabi na rin ni PNP-HRAO Chief PBGen. Vincent Calanoga, sa isinagawang congressional hearing nuon Miyerkules na umaksyon na sila para imbestigahan ang alegasyon ng ginawang profiling di umano ng ilang kapulisan sa mga nabanggit na organizers.
Dahil dito pinuri ng PNP Chief si Calanoga matapos itong humingi ng paumanhin sa naturang hearing at sa publiko.
Hinikayat din ni PGen. Eleazar ang mga community pantry organizers na makakaranas ng pang-haharass at pananakot ng ilan police personnel at agad na magreklamo.
“Makakaasa kayo na agad po nating aaksyunan ang inyong reklamo” ani Eleazar.
Dahil dito gumawa na ng guidelines ang The Directorate for Police Community Relation na susundin ng mga pulis na tutugon sa mga community pantries na inu-utosan ang mga PNP personnel na tanging pagpapanatili ng lamang ng katahimikan at seguridad at seguruhin ng minimum public health safety standards ang kanilang dapat gawin. (Ulat ni KOI HIPOLITO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna