MANILA, PHILIPPINES
Pormal nang naghain ng kandidatura sa pagkasenador si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar nitong Lunes, Nobyembre 15.
Naghain ng certificate of candidacy si Eleazar matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Para sa Demokratikong Reporma sa ilalim ni Presidential aspirant at Senador Panfilo “Ping” Lacson.
Pinalitan ng dating PNP chief si Paolo Capino na nagwithdraw ng COC noong nakaraang linggo.
Naghain din ng kanyang COC si Presidential spokesperson Harry Roque bilang senador.
Agad nag-resign si Roque matapos ihain ang kanyang kandidatura.
“Babalik po sana tayo sa Kongreso ng Pilipinas, dun po sa Kamara ng Senado…mula sa inyong pagiging spox ay nais ko po maging action man sa Senado,” ayon kay Roque.
Humingi rin siya ng permiso kina Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Inday Sara Duterte para sa kanyang planong pagtakbo.
More Stories
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan
DOH PINURI NI BONG GO (Pag-aalis sa medicine booklet requirement ng senior)