December 29, 2024

ELEAZAR: PAGBIBIGAY NG ARMAS SA MGA SIBILYAN PARA LAMANG SA PROTEKSYON

CAMP CRAME HEADQUARTERS – NAGPAABOT  ng mensahe si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar sa opisina ng  Commission on Human Rights (CHR) kasunod ng panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na payagan  makapagdala ng armas  ang mga civilian organization na katuwang ng mga pulis at iba pang mga law enforcement agency sa paglaban sa kriminalidad.

Ayon kay PGen Eleazar, “We understand the concern of the officials of the Commission on Human Rights but we assure them that the President’s suggestion is to encourage volunteerism and definitely not vigilanteism,”

Dagdag pa niya, “Batid ng ating Pangulo at kami mismo sa PNP ang panganib na kakaharapin ng aming volunteers for standing up against criminal elements that include members of the CPP-NPA-NDF and the suggestion made was aimed at ensuring their own protection—but with an assurance that they will undergo the rules and procedures for civilians to possess and carry firearms,”

Paliwanag din ni PGen Eleazar, kung papayagan ang mga sibilyan na magdala ng armas, kailangan nilang sumunod sa lahat ng panuntunan at kailangang karapat dapat din sila kaya’t walang dahilan para pagbawalan ang mga civilian volunteer sa pribilehiyong iyon.

Binigyang diin pa ng PNP Chief, “Walang dahilan para hindi sundin ang mga patakarang ito sa pagmamay-ari ng baril ng mga sibilyan even with our efforts to enhance our relations with the community in fighting criminality, insurgency, and illegal drugs, among others.”

Dahilan ng CHR na walang pangangailangan para bigyang armas ang mga sibilyang grupo, sapat na ang PNP bilang law enforcement arm ng Gobyerno na kinikilala ng ating saligang batas.

Ayon pa kay PGen Eleazar, “We support the argument of the CHR on this case but it should also understand that we cannot let them be at the mercy of the criminal elements that we encourage them to fight alongside with us,”

Dagdag din niya na, “The proposal to arm them is purely for their own protection, to defend themselves and the PNP itself will not allow each and every one of them to engage in the actual fighting of criminal elements. The PNP also assures that only those who will qualify under the law may be permitted to own and possess firearms,”

ipinaliwanag pa ni Eleazar na ang panawagan ng Presidente na armasan ang mga sibilyang grupo ay posibleng dahil na rin sa matinding pagnanais niyang labanan at puksain ang  kriminalidad sa bansa at karahasan sa ating lipunan.

Ayon din sa PNP Chief, “Sa pagbibigay naman po ng mungkahi ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nakita ko ang masidhi at tunay niyang pagnanais na matuldukan na ang mga suliraning ito ng ating bansa, lalo na ang tungkol sa iligal na droga at ang panggugulo ng mga rebeldeng komunista,”

Noong Biyernes, Hunyo 25, inilunsad ng PNP ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers, na naglalayong magtatag ng matibay na samahan sa mga komunidad para labanan ang kriminalidad at terrorismo.(Koi Hipolito)