January 12, 2025

ELEAZAR INENDORSO, GINAWANG NATIONAL NATIONAL ADVISER NG FRATERNITY–SORORITY GROUP

DUMARAMI pa ang mga grupong naghahayag ng supiorta sa kandidatura ni dating PNP chief General Guillermo Eleazar sa pagka-senador, habang palapit nang palapit ang halalan.

Pinakahuli sa mga ito ang Maharlikans Fraternal and Sororal Order of Tigers – Tiger of Asia, isang non-profit organization.

Bukod sa pagsuporta kay Eleazar, iniluklok din ng grupo ang retired police general bilang kanilang national adviser sa ginanap na oath-taking ceremony ng mga miyembro nitong Huwebes (Mayo 5).

“Isang malaking karangalan ang kilalanin ng Maharlikans Fraternal and Sororal Order of Tigers bilang isa sa mga kandidato sa pagkasenador na kanilang sinusuportahan sa darating na Mayo 9,” aniya.

“Batid ko ang kahalagahan ng kapatiran o brotherhood/sisterhood upang makamtan ng isang grupo ang kanilang layunin. Isa ito sa mga values na natutunan ko noong ako ay pumasok sa PMA at PNP,” sabi pa ni Eleazar.

Ito na ang ikatlong sunod na araw na may grupong nag-endorso kay Eleazar.

Nagdeklara ng suporta sa kanya ang Iglesia ni Cristo noong Mayo 4 at sinundan iyon ng pagtanghal sa kanya ng Independent Bishops Conference of the Philippines bilang kanilang top pick sa pagka-senador nang sumunod na araw.

“Sa darating na halalan, nawa ay tulungan niyo ako bilang kaisa ninyong Maharlikan na maihatid sa Senado ang mga pang araw araw na pangangailangan at problema, ng ating mga kababayan!” ani Eleazar.