November 5, 2024

ELEAZAR IN, SINAS OUT (Quarantine implementer susunod na PNP chief)

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Guillermo Eleazar, tagapagpatupad ng long-running community quarantines sa bansa, bilang susunod na Philippine National Police chief, ayon sa Department of the Interior and Local Government.


Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, papalitan ni Eleazar si Police Gen. Debold Sinas na magreretiro sa Sabado, Mayo 8. Siya na ang ika-anim na itinalaga na mamumuno sa puwersa ng kapulisan sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Through a NAPOLCOM (National Police Commission) resolution, Eleazar was recommended to be the next Chief PNP based on seniority, merit, service reputation and competence to lead the Police Force,”  ani ni Año.

Tulad ni Sinas,  miyembro rin si Eleazar ng Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987. Nagsilbi rin siya sa PNP bilang deputy chief for administration, Metro Manila Police chief at Quezon City Police District.

Pinangunahan din ni Eleazar ang Joint Task Force COVID Shield nang tumama ang COVID-19 sa Pilipinas, kung saan tungkulin nito na tiyakin na maipapatupad ang COVID-19 protocols sa bansa.

Si Eleazar ay mananatili bilang PNP chief sa loob ng pitong buwan dahil nakatakda itong magretiro Nov. 13 sa edad na 56.

Sinabi ni Eleazar sa kaniyang pahayag na tinatanggap niya ang mga hamon sa bago nitong posisyon.

Nagpasalamat din siya kina Pangulong Duterte at Sec. Año sa ibinigay na tiwala sa kaniya.

“To be appointed as the Chief PNP is a rare opportunity, but come with the challenges and good leadership and meeting the high expectations of the Filipino people. I accept these challenges,” ayon kay Eleazar.