Bilang tugon ng gobyerno upang mapadali ang mga biyahe sa iba’t ibang lugar ng mga lokal na turista, nagpaalala sa publiko si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, na palaging obserbahan at sundin ang mga regulasyon ng standard health minimum safety protocols sa kanilang mga pupuntahan lugar.
Sinabi pa ni PGen. Eleazar, na meron ilang mga local government units o LGU’s na nagpatupad ng kanilang sariling guidelines sa pagtanggap ng mga bisita at turista na dapat alamin ng mga biyahero.
“Payo ko po sa ating mga kababayan, alamin po natin muna ang mga panuntunan na ipinatutupad ng mga lokalidad na inyong balak puntahan dahil may mga pagkakataon na naghihigpit pa rin po sila sa mga turista at may mga karagdagang sariling regulations,” ani Eleazar.
Pinayuhan din niya ang publiko na patuloy lamang sundin ang minimum safety standards bilang pag-i-ingat na rinlaban sa COVID-19 infection.
Ayon pa sa PNP Chief hindi dapat maging kampante ang publiko kahit pa niluwagan na ang mga travel restrictions.
Dagdag pa niya na “Alam ko po na sabik tayo ngayong magbakasyon o maglibang dahil sa tagal ng pagkakakulong sa ating mga tahanan. Pero tandaan po natin na nariyan pa din po ang banta ng COVID-19. Dobleng pag-iingat pa rin po ang ating gawin habang nasa labas ng ating mga bahay.”
Patuloy din umano ang PNP na magpapatupad ng guidelines na galing sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases, kabilang na ang mga pagbabagong ipapatupad tungkol sa pagpapagaan ng mga restrictions gayun din sa mga local ordinances.
Samantala nagpahayag din ang Malakanyang na ang mga domestic travel ay pinapayagan lamang tulad ng sa mga lugar na tulad ng sa NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal) na nasa ilalim ng General Community Quarantine, kung sila ay makakapagpakita ng mga negatibong resulta ng kanilang Covid-19 RT PCR-test.
Sinabi pa na ang pagpapaluwag ng mahigpit na travel restrictions ay nakikitang malaking tulong upang maka-recover ang ating bansa mula sa COVID-19 pandemic adverse effects. (Koi Hipolito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY