December 25, 2024

ELEAZAR BUMISITA SA KANYANG IKA-2 “HOME TOWN” SA BATANGAS

Bumisita sa kaniyang itinuturing na ikalawang “home town” o sarili niyang bayan sa Batangas kahapon, araw ng Martes, si Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Guillermo Lorenzo T. Eleazar upang masigurong naipapatupad ng maayos ang  “Intensified Cleanliness Policy” o ICP  na kanyang sinimulan sa kanyang pag-upo sa pwesto bilang ika-26th na pinuno ng Pambansang Pulisya noong buwan ng Mayo.

Ayon kay PGen Eleazar,  layunin ng ICP na masiguro ang kalinisan sa lahat ng  PNP  stations/offices, rank at community.

“Ito ay isang “exaggerated cleanliness” bilang repleksyon ng disiplina sa hanay ng mga pulis.  Kapag malinis ang  police station, maayos ang magiging paglilingkod na magbubunga na maibalik  ang tiwala at kumpyansa ng publiko,” sambit ni Eleazar.

Dagdag din niya na sa pamamagitan ng  ICP,  inaasahan niya ang kalinisan sa komunidad sa pamamagitan ng  pagsusulong ng kampanya laban sa lahat ng uri ng krimen.  

Nakapaloob din aniya sa ICP na magkaroon ng reporma sa recruitment system  ng mga pulis upang matiyak ang pagkakaroon ng magandang reputasyon ng mga ito at hindi makapasok ang mga bugok at posibleng maging pasaway sa hanay ng PNP.

Bagama’t kulang aniya ang bilang ng pulis sa lungsod at maging sa bansa, mahalaga aniya ang quality than quantity. 

Matatandaan na inilatag niya ang nasabing polisiya noong sya pa ang Regional Director ng National Capital Region Police Office National Capital Region Police Office (NCRPO). (KOI HIPOLITO)