
Bumuhat si Filipino Olympian Eldreen Ando ng silver medal sa women’s weightlifting 64kg event. Yumuko ang Cebu-native sa defending champion ng Vietnam na si Thi Thanh Pham.
Nakuha ni Pham ang gold sa pagbuhat ng 104kg snatch. Gayundin ng 126 sa clean and jerk, may 230kg sa kabuuan. Nagtapos naman si Ando ng 103kg sa snatch at 120 sa clean and jerk, may total na 223kg.
Nahablot naman ni Tabathani Tsabitha ng Indonesia ang bronze medal. Umangat ito ng 100kg at 116kg na may kabuuang 216kg.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort