Nakasungkit ng isa pang gold si EJ Obiena sa 2021 Taby Stav Gala Street Pole Vault sa Stockholm, Sweden. Nagtala ang Pinoy vaulter ng 5.80-meter clear sa nasabing torneo.
Dahil dito, naitala ng 25-anyos na si Obiena ang fifth straight podium finish sa limang nilakuhang tournament. Naitala rin niya ang record-breaking na 5.87 jump sa Bydgoszcz nitong nagdaang linggo.
Naungusan din ni Obeina si reigning olympic champion Thiago Braz ng Brazil. Nag-attempt ng two heights si Obiena at nagtala ng 5.60. Na-cleared din nito ang dalawang finishes sa isang talon lamang.
Bagamat nagtala ng 5.80 meters si Andrew Irwin ng United States, hindi nito na clear ang final attempt. Kaya, bronze medal lang ang nasungkit nito.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2