NAKATAKDANG sumailalim sa polygraph test si Filipino pole vault star EJ Obiena para patunayan na siya’y inosente matapos siyang akusahan ng doping sa social media kamakailan lang.
Sinabi ng mentor at advisor ni Obiena na si James Michael Lafferty, na ilalabas kaagad nila ang test result para sa transparency at palakasin ang kanilang kaso.
“While he’s here in Dubai, we’re doing a polygraph this week that we will then publish,” aniya. “We’re going to release the information just to bolster the case.”
“He has never even thought about it (doping) let alone be close to it. Our only worry in all of this is he watches that nobody spikes his any of his food and drink,” dagdag niya.
Ang nag-akusa lang naman sa kanya ay si Anais Lavillenie, asawa ng dating world record holder at 2012 Olympics gold medalist na si Renauld Lavillenie makaraang magkomento sa Facebook post ng Vaulter Magazine – Vaulter Club Inc.
Mantakin ninyo, sinabihan si Obiena na gumagamit ng ipinagbabawal na substances at binanggit din nito ang isa pang pole vaulter na si Thiago Braz ng Brazil.
“Obiena doped and it’ll fall like Braz. Same coach, same plan, same objective,” komento niya.
Inakusahan ni Anais si Obiena na nagdo-dope matapos ang pagkakasuspinde kay Braz nang magpositibo ang resulta ng kanyang test. Kapwa sinanay ng Vitaly Petrov sina Obiena at Braz, na tila ang “same coach” ang tinutukoy sa komento.
Binigyang-diin ni Lafferty na hindi maganda ang naging komento ni Anais lalo na’t wala itong sapat na ebidensiya para patunayan ang kanyang bintang.
“Making guilt by association is a very reckless and irresponsible thing to do,” saad niya.
Hindi naman tumugon si Anais nang tanungin kung inaakusahan ba niya si Obiena na gumagamit ng performance enhancing drugs.
Ipinoste naman ni Obiena ang isang screen shot ng mga komento sa kanyang public Facebook account. “I want to remain classy and dignified on this subject. All I will say is I am disappointed, angry and feel wronged by these statements,” caption ni Obiena. RON TOLENTINO
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON