Hindi na magiging flag bearer si EJ Obiena ng Team Philippines sa Tokyo Olympics. Ayon kay POC Pres. Bambol Tolentino, ito ay aksyon nila para sa recent changes sa health protocols ng laro.
Dahil dito, mapapalitan ang male flag bearer. Nais kasi ng mga organizers na ang mga standard bearers ay nasa Tokyo na 48 hours. Ito ay kaugnay sa opening ceremonies sa July 23.
“Baka nga malamang, mapalitan ang male flag bearer natin,” aniya sa Philippine Sportswriters’ Association Forum webcast.
Darating sa Tokyo ang pole vault sensation sa ganap na alas 12:30 p.m sa gayun ding petsa. Kaya, di ito aabot.
“Ni-require na ni Tokyo na ang flag bearers, dapat nandun na sila 48 hours before. Ang dating ni EJ Obiena is 12:30 ng 23,” dagdag pa ni Rep. Tolentino.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!