Nakapagtala si EJ Obiena ng bagong Asian record na pumantay sa kasalukuyang record. Natapatan ng 25-anyos na pole vaulter ang 23 taong record sa kanyang gold winning performance sa 2021 Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria.
Nairekta ni Obiena ang 5.93-meters sa nasabing torneo. Muntikan rin niyang nalampasan ang 5.92 meters na record ni Igor Potapovich ng Kazakhstan sa Stockholm noong February 19, 1998.
Kung naitala ni Obiena ang ganung set sa final ng Diamond League sa Zurich, mabubura niya sana ang nasabing record. Subalit, kinapos siya ng 10 puntos sa markang 5.83 meters.
“I wanted this one so bad. I couldn’t have done it without all of you guys,” ani Obeina sa suporta at appreciation ng Innsbruck crowd.
More Stories
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY