
Patuloy si EJ Obiena sa pagkinang bilang pole vaulter ng Asya. Katunayan, nagtala ito ng 5.81-meters at nasungkit ang Orlen Cup sa Lodz, Poland.
Ito ang unang beses ngayong season na naglista si Obiena ng 5.81m. Ito’y matapos magrekta ng 5.71m sa ISTAF Indoor meet sa Berlin. Gayundin sa Beijer Stavhoppsgala sa Uppsala.
Nangailangan lamang ang Pinoy vaulter ng one attempt upang i-clear ang height. Naglista rin ang 26-anyos na tubong Tondo, Manila ng 3 attempts. Kung saan ay naisalya niya ang 5.9m plus finish.
Gayunman, hindi niya nagawang lampasan ang kanyang sariling record na 5.90m.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo