November 2, 2024

EJ OBIENA, ISINAMA NG POC SA LIST NG ATLETANG SASALANG SA SEA GAMES

Makakasalang na si EJ Obiena sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam. agamat tinabla ng PATAFA na hindi isama sa listahan, iba ang ginawa ng POC.


Kung kaya, naipasa ang pangalan ng Asia’s No. 1 men’s pole vaulter sa listahan. Na isinumite na sa organizers ng nasabing biennial meet.


Kabilang na si Obiena sa 654 atletang makikipagtunggali para sa bansa. Sa gayun ay madepensahan ang overall championship sa torneong idaraos sa May 12-23.


“EJ’s name must be there,” ani POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Ayon kay Tolentino, nakakadismaya kung di makasama si Obiena sa laro. Gayung malaki ang tsansa nitong makasungkit ng gold medal. Pati na rin ang posibilidad na magkadama ng bagong SEA Games record.


It’s both frustrating and disappointing if we don’t see EJ setting a new SEA Games record in Hanoi,” aniya.