SA wakas ay inabot din ni Pilipino pole vault icon Ernesto John( EJ) Obiena ang kanyang sukat na minimithing talon sa pole at makopo ang medalyang ginto sa pagtatapos kahapon ng Berggen Jump Challenge sa Bruggen,, Norway.
Ang multi- SEAGames gold medalist,Asian champion,world class athlete at Olympian na si EJ ay naitala sa unang pagkakataon ang anim na metrong target jump sapat na upang pagharian ang torneong bahagi ng kanyang preparasyon para sa susunod na taong Paris Olympics.
Ang 28-anyos na produkto ng University of Santo Tomas na si Obiena rin ang kauna-unahang Asyanong atleta na na- break ang 6- meter barrier sa men’s pole vault.
Tinalo ng batang Obiena si KC Lighthouse via countback.
Ang iba pang miyemro ng 6- meter club sa mundo ay sina Armand Duplantis,Lighthouse at Thiago Braz.
Si EJ ay anak ng batikang Pinoy international pole vault medalist ding si Emerson Obiena.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW