ITINURO ni weather specialist Ana Clauren ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang kasalukuyang posisyon ni Bagyong Egay.
Nabuo bilang bagyo si Egay sa karagatan ng Pilipinas at kumikilos patungong kanluran. Mayroong itong lakas na hangin na 70 kph at inaasahang tatama sa kalupaan sa Northern Luzon sa Linggo o Lunes.
Inilagay ng PAGASA sa Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan Islands at Calayan Islands.
Inaabisuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa at malakas na hangin dulot ng Bagyong Egay.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag