Inaresto umano si Filipino billiard legend Efren ‘Bata’Reyes makaraang masangkot sa isang pool game. Itoy’ matapos magviral ang video sa social media na kasama siya sa laro.
Makikita sa video na hinuli siya ng mga pulis at barangay officials na naglalaro ng bilyar. Na ipinagbabawal dahil sa Coronavirus pandemic. Gayundin sa ipinatutupad na strict health protocols.
Kinumpiska rin ng otoridad ang ilang pool equipment. Pinangalanan ang mga naarestong mga players kabilang si ‘The Magician’.
Pati spectarors ay hinuli rin na nanonood ng laro sa San Pedro, Laguna. Bagama’t may nangatuwiran na para iyon sa diwa ng sport, sinabi ng mga pulis na ang pagtitipon ay walang permit.
Mapapanood din sa video ang isang pulis na iniisa-isa ang mga spectators. Armado ito ng assault rifle at nakasuot ng itim na SWAT uniform.
Sinabihan ang mga nahuli na huwag tumakbo at tinurang aayusin ang gusot sa barangay hall.Ang video ay may habang 2 minutes at 40 seconds. Sa isang hiwalay na video, makikitang nakasuot ang 66-anyos na si Reyes ng same polo-shirt.
Na naglalaro ng bilyar kasama ang lalaking nakasuot ng facemask. Pero, walang suot nun ang billiards Hall of Famer at walang social distancing ang mga nanonood.
Batay sa protocols, ang billiard ay isang close contact sport at ipinagbabawal laruin ngayong pandemya. Ang malalaking pagtitipon, lalo na’t walang physical distancing ay ipinagbabawal.
Noong Enero, napaulat na na-involved ang multi-world champion sa isang hoax. Kung saan, napaulat na pumanaw na siya. Pero, pinasinunglingan niya ito sa isang video. Gayundin ng kanyang anak na si Chelo Reyes.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!