PUMANAW na ang business tycoon at bilyonaryo na si Eduardo M. Cojuangco Jr dahil sa lung cancer.
Ayon sa souce ng Agila ng Bayan, si Cojuangco ay pumanaw sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig alas 10:40 ng gabi ng Martes (June 16).
Mababatid na noong June 10 lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-85 birthday si Cojuangco
Si Cojuangco ang chairman at CEO ng San Miguel Corporation.
Siya rin ang nagtayo ng political party na National People’s Coalition (NPC) noong 1992, at tumakbo laban kay Fidel V. Ramos sa pagkapresidente noong ding taong iyon,
Naglingkod siya bilang gobernador ng Tarlac (mula 1967 hanggang 1969), congressman ng 1st District ng Tarlac (1969-1972), at naging ambassador ng Pilipinas sa Amerika.
Ang Philippine Basketball Association (PBA) ang isa sa mga unang nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni Cojuangco, na kilala rin bilang isang sportsman.
Nagpasalamat din ang PBA sa malaking kontribusyon ni Cojuangco sa kanilang organisasyon at sports
May apat na anak si Cojuangco sa kanyang asawa na si Soledad “Gretchen” Cojuangco—sina Margarita, Luisa, Charlie, at Mark.
Naulila rin ni Cojuangco ang kanyang kasalukuyang partner, ang Bb. Pilipinas-Universe 1996 titleholder at dating aktres na si Aileen Damiles, at ang kanilang dalawang anak na babae. FELIX LABAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA