November 2, 2024

EDUARD FOLAYANG, 2 HANGGANG 3 TAON PA SA MMA

Nabigo si Pinoy MMA fighter Eduard Folayang sa kanyang panibagong pagsalang sa ONE sa TNT IV. Yumuko siya kay arch-rival Shinya Aoki via first round submission.

Tumagal ang laban ng dalawa sa loob ng 4 minutes at 20 seconds. Ang pagkatalo ay pang-lima na ni Eduard mula sa 6 matches sa loob ng ONE Circle. Kaya naman, nag-alala ang mixed martial community dito. Anila, tapos na nga ba ang carrewr ni Folayang bilang fighter? Magreretiro na nga ba siya?

Gayunman, optimistiko pa rin ang Ifugao fighter.

 “We’re still positive.”

“It’s just that we weren’t able to stop the takedown. We tried a lot of times and yet Shinya really didn’t want the fight to go on the feet so when he had the advantage to put the game to the ground, he didn’t waste the chance to get it,” aniya.

May tsansa sanang pataubin ni Folayang si Aoki sa stand-up war. Ngunit, nakakabalik muli ang Japanese fighter sa clinch.

Hanggang sa ang Pinoy fighter na ang i-takedown ni Aoki. Hindi na ito nakawala sa short punches at elbows ng huli.

Nadali si Folayang sa armed bar at doon na siya nag tap bilang submission. Dahil dito, may 2-1 advantage na si Aoki kay Folayang. Ang panalo nito ay pawang first round submission. Pero, sinabi ni Folayang na pwede pa siyang lumaban.

“I still have two to three years,” giit nito.