November 23, 2024

EDSA PEOPLE POWER, MAY DIWA PA BA O DAPAT KALIMUTAN NA?

Magandang araw sa inyo mga ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Ating talakayin ang tungkol sa diwa kuno ng EDSA People Power. Sapol noong Pebrero 25, 1986, ipinagdiriwang na ng ilan ang EDSA Revolution.

Naging daan ang hakbang na ito upang mapaalis ang isang lider. Na alam naman nating lahat na si Apo Macoy. Pero, ano nga ba ang silbi ng EDSA? Mahalagang kontribusyon ba ito sa kasaysayan? O naging kasaysayan lang ito upang paalisin ang isang lider sa katauhan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos? Para nga ba sa bayan ang kanilang ginawa?

O para lamang sa interes ng iilan? Dapat pa nga bang gunitain ang EDSA gaya ng pagggunita sa ilang pambansang holidays? Katulad ng Independence Day, Bonifacio at Rizal Day? Sa nakalipas na mahigit 30 taon, namulat na ang marami sa ating mga kababayan.

Nalaman nila na na-distort ang kasaysayan. Pinasama ng pinamasa ang isang mabuting lider. Na tinatawag nilang diktador. Pero, sa kanilang paghahambing, nabatid nila na mas mainam pa pala ang pamumuhay noon kaysa sa nakalipas na 30 taon; buhat nang makaupo ilang lider na pumalit kay Apo. Napaghambing nila, ‘aba, mas mabuti pa pala ang buhay noong panahon ni ‘Apo Macoy’. Tunay na demokrasya nga ba ang ipinaglaban noon sa EDSA?

‘O demokrasya lang ng ito ng iilan, lalo na ang mga sakim sa kapangyarihan? Na matagal nang nagplano at nagsambawatan upang paalisin sa kanyang upuan si Apo Macoy? Ngayon, sa ganang atin, tila nawala na ang diwa ng EDSA. Kayo ang tatanungin naming mga Ka-Sampaguita, dapat pa ba itong ipagdiwang? Dapat pa ba itong gunitain? ‘O kalimutan na lang at ibaon sa limot? Adios Amosekos!