
Sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, hinikayat ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang lahat na yakapin ang diwa ng pag-asa, pagbabagong-loob, at panibagong simula.
Ayon sa BuCor chief, ang Easter ay hindi lamang panahon ng kasayahan kundi pagkakataon upang pag-isipan ang ating kolektibong paglalakbay, mga pagsubok, at adhikain para sa pagbabago.
Binigyang-diin niya ang matagal nang problema ng congestion sa mga piitan at ang kahalagahan ng pagkalinga sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) bilang mga taong karapat-dapat sa ikalawang pagkakataon.
Ani Catapang, ang pananampalataya at pagkakaisa ang susi sa tunay na reporma.
Dagdag pa niya, ang misyon ng BuCor ay hindi lamang upang bantayan kundi upang hubugin at muling isama sa lipunan ang mga nagkamali. Tinawag niya ang lahat ng kawani ng BuCor na maging liwanag ng pag-asa at instrumento ng pagbabago.
Sa pagtatapos, inanyayahan niya ang buong BuCor family at PDLs na muling pagtibayin ang kanilang dedikasyon sa serbisyo, na may pagmamahal, pang-unawa, at pananampalataya, sa ilalim ng temang “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas.”
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA