BAGONG liga para sa bagong bidang manlalarong Pilipino.
Ilalarga ng East Asia Basketball League (ESBL) ang Philippine Youth Basketball League 23-and-Under Open Invitational Conference sa darating na Setyembre 2 sa covered court ng Brgy. Jesus Dela Pena Gym sa Marikina City.
Inorganisa ng EABL na pinamumunuan nina Dr. Norman Afable, Founder and Sports CEO, at Dr. Joseph Ross Jocson, Chairman-Batang Maynila, ang bagong liga ay isang Inter-town at school-based league. Kasama nila sa Executive Committee sina Ricky Magallanes, US Based Coach; FIBA International Referee Roger Basillio bilang league Commissioner, FIBA Referee at Commissioner Reynaldi Manalac, Thailand Based Coach at Commissioner Jojo Castillo, AFP Philippines Coach at Commissioner Sonny Manucat, FIBA International Head Technical at Commissiner Lito Macaspac at Bishop Ceasar Pacis, Missionary Pastor and Spiritual Leader.
Layunin ng liga na makatuklas at mahubog ang talent ng mga kabataan, higit yaong tinatawag na out-of-school youth, upang mabigyan ng pagkakataon na makabangon sa buhay at maitaas ang antas ng kaalaman at kasanayan sa larangan ng basketball.
“Binuo naming ito, tulong-tulong kami sa Executive Committee upang mabigyan ng karagdagang avenue ang ating mga kabataan na maipamalas ang kanilang kahusayan at mabigyan ng pagkakataon para maituloy ang kanilang mga pangarap. Ika na, ‘everyone deserves a second chance’. Mula rito, maaaring maging kinatawan sila ng bansa sa East- Asia Pacific Region league,” pahayag ni Afable.
“May mga kaibigan tayo sa iba’t ibang bansa na nagpahayag ng kanilang hangarin na makasali sa liga, gayundin ang makahanap ng mga players na puwedeng maglaro sa kanilang mga liga. Kaya malaking oportunidad ito para sa ating manlalarong Pinoy,” ayon kay Afable.
Bilang panimula, kabilang sa mga koponan na sumagot sa hamon ang Taytay Smile City, SMASH Navotas, Sta. Rosa Asiatech Jaguars, Makati Selection, RPBY EastDental Clinic Marikina, Fantastic San Pablo City at MAPUA Cardinals.
Bukod sa karangalan bilang unang kampeon ng ligang ito, pinaglalabanan din ng bawat koponan ang premyong Php 50,000 para Grand Champion, at Trophies and Medals naman para sa 1st at 2nd Runner Ups.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW