UPANG makasabay sa blended distance learning sa siyudad sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, binuksan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang E-Skwela Hub sa Barangay 585 ngayong araw (Agosto 31).
KUHA NI JHUNE MABANAG / AGILA NG BAYAN
Ang e-learning hub ay inaasahang mapakikinabangan ng mga estudyante, titser, at magulang ng tatlong eskwelahan – Malvar, Burgos, at Maceda – sa Sampaloc, Manila.
Pinangunahan at pinapurihan nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagbubukas ng learning hub.
“We appreciate the benefits that this educational hub will bring to students, teachers and parents, especially those who have been severely affected by the pandemic, in helping them cope with the new normal of learning and conducting our classes, so that no one will be left behind,” wika ni Domagoso.
“They can use computers, access the Internet, print materials, conduct research and prepare for the upcoming classes with these hubs,” dagdag pa niya.
“Sa mga nanonood na gustong tumulong, ito ay isang tangible na project na mararamdaman ng tao,” aniya.
Pinasalamatan ni Domagoso ang Frontrow Philippines at si Ang Probinsiya party-list Representative Ronnie Ong para gawing posible ang proyektong ito.
“Maraming-maraming salamat sa Frontrow. Kapag gobyerno, taong bayan, at negosyante ang nagtulong-tulong ay mapapagtagumpayan natin. Kaya natin magtagumpay kapag tayo ay sama-sama, tulong-tulong,” pagpapasalamat ng alkalde.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?